SA LIBIS NG NAYON



SA LIBIS NG NAYON

by Santiago S. Suarez

Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon
Taginting nitong kudyapi ay isang himatong
Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon
Bawa't puso'y tumutugon sa nilalayon

Puno ng kawayan ay naglangitngitan
Lalo na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
Pinukaw na tunay nitong kasayahan.

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
Sa libis ng nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban
Kayamanan at dangal ng kabukiran

Ang liwanag ng buwan at kislap ng bituin
Ay nag-aalay ng aliw.
kung ang puso'y ang hanap ay paglalambing
Awit ng parang ay dinggin.

Ang pagibig man din dito nagsupling
At kapag nasiphayo'y luksang libing.
Kaya't ang payo ko ay inyong susundin
Bukid ay dapat mahalin.

---end---

No comments:

Post a Comment