LERON-LERON SINTA



LERON-LERON SINTA

Tagalog Folksong

Leron, leron sinta, buko ng papaya
Dala-dala'y buslo, sisidlan ng bunga
Pagdating sa dulo'y nabali ang sanga
Kapus kapalaran, humanap ng iba.

Gumising ka Neneng, tayo'y manampalok
Dalhin mo ang buslo't sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo'y lalambalambayog
Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog.

Ako'y ibigin mo, lalaking matapang
Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam
Ang lalakarin ko'y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban.

---end---

No comments:

Post a Comment