ROSAS PANDAN



ROSAS PANDAN


by Visayan Folksong

Dalaga ay parang rosas
Bumabango 'pag namumukadkad
Habang hinahagkan ng araw
Lalong gumaganda ang kulay.

At ang ngumingiting talulot
Nilalapitan ng mga bubuyog
Ang mutyang iyong nililiyag
Ay tulad din pala ng rosas.

Kahit na umula't kumidlat
Kay ganda rin ng rosas
Lalong sumasariwa
Sa tubig ng paglingap.

Nguni't pag binagyo't ununos
Ang rosas ng pag-irog
Sawi ang pagsuyong
Nilanta nang paglimot.

Ganyan ang dalagang
Sawi sa kanyang irog.

---end---

No comments:

Post a Comment